Near Heaven

Ymagesa Near Heaven歌詞
1.Paalam

I
Lahat ng bagay ay lumilipas
Natatapos at biglang nawawala
Anumang liwanag sa dilim
Ay nakaukit na lang sa hangin
Ano ba'ng sadya ng paglisan
Sa mundong nasimulan
Kaibigan ang tinig mo'y nasaan?

Dinig mo ba ang panawagan ko sa kalawakan, sa kalawakan?
Nakikita mo ba'ng iginuhit kong pag-ibig
Sa mga bituin?

CHORUS
Hindi mo ba iniisip ang nangyari kung bakit
Kung bakit tayo nandito?
At ang lahat ng bagay ay ibabaon na sa paalam, paalam na lang
sa'yo

II
Larawang aking pinagmamasdan
Bawat ngiti ay luhang pumapatak
Ang saya ng nakaraan
Ay napawi ng kalungkutan
Magliliwanag bang muli ang gabing Nagdidilim kaibigan ang awit
ay nasaan?
(Ref and cho)
Di ba't isang taon nang nakalipas...
Nakalipas...
Ngunit pumipintig pa rin ang alipin ng iyong mga mata


2.Lihim

I.
Sa isang iglap na lang
Ako'y matutunaw
Sa sarili kong tingin
Patungo sa'yo
At sa bawat beses na ika'y dumaraan
Hangad ko lang na ika'y masulyapan
Mabatid lamang ang siyang nilalaman
Nitong aking isipan

II.
Wag na lamang kausapin
Walang masasabi
Unti-unti ma'y ikukubli ang sarili
Hindi naman makaabot kung ikaw ay lalabas
At di makahintay sa iyong pagdating
Aasa ba o wag nalang kaya

Cho:
Alam mo bang ako'y mayrong nililihim sa iyo
Na hanggang ngayon ay di pa'rin masabi ng diretso
Itinatago sa hangin
Ngunit ngayo'y ikaw pa'rin

Ano bang maaaring gawin
Ng isang di maka-imik
Tanong na sana'y hindi na mabitin
Pag ikaw ay namasdan ay tila nasindihan
Ang pagsibol ng isang pag-asa
Kung iyong mamarapatin sana na
Ako ay pagbigyan
(Chorus)


Bridge:
Wag ka munang aalis
Pakinggan mo lang aking tinig
Kung lalayo ka ng pagtingin
Ay hindi maririnig